Manila, Philippines – Inaalam na ngayon ng Armed Forces of the Philippines kung totoo ang impormasyon na inilabas ng Abu Sayyaf Group na pupugutan nilang ngayong araw ang kanilang dalawang bihag na Vietnamese.
Ito ay kung hindi magiging matagumpay ang negosasyon para sa pagpapalaya sa mga ito.
Ayon sa source ng RMN sa Sulu, alas dos hanggang alas kwatro ng hapon ngayong araw ay pupugutan ang dalawa sa Dyudangan, Brgy Buhanginan, Patikul, Sulu kung hindi magiging maayos ang resulta ng negosasyon.
Sinabi pa ng source na pinamumunuan ni ASG subleader Hajan Sawadjaan, Almujer Yadah at Ben Yadah ang pagplano ng pamumugot sa dalawang kidnap victim.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Marine Col. Edgard Arevalo, makikipagugnayan sila ngayon sa intelligence personnel nila sa Sulu para makumpirma ang impormasyon.
At habang inaalam nila, mas paiigtingin nila ang combat operation sa Sulu upang mailigtas ng buhay ang mga pupugutan bihag.
Sa ngayon ayon kay Arevalo, sa huling bilanng ng militar mayroong 25 bihag ang ASG.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558