Planong pagsasanib pwersa ng Land Bank of the Philippines at DBP at update sa military at uniformed personnel pension, sentro ng sectoral meeting na pinangunahan ni PBBM

Dalawang isyu ang pinag-usapan sa ginanap na sectoral meeting kaninang umaga sa Malacañang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Malacañang Press Briefer Daphne Paez, ang unang napag-usapan ay ang planong pagsasanib pwersa ng Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Sinabi ni Paez, ang planong ito ay naglalayong mas mapaangat at magkaroon ng competitive na bangko.


Ito aniya ay makakapagbigay ng mas maayos at mas accessible na financial services sa mga Pilipino.

Bukod dito, napag-usapan din ang update sa planong pagbabago sa military at uniformed personnel pension.

Ang sectoral meeting ay ginagawa tuwing Martes sa Malacañang na pinangungunahan ng pangulo para talakayin ang mahahalagang isyu.

Facebook Comments