Planong pagsasapribado sa NAIA, magdudulot ng dagdag na bayarin sa mga pasahero

Nagbabala ang unyon ng mga manggagawa mula sa operations at maintenance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ang planong pagsasapribado sa paliparan ay magdudulot ng mataas na bayarin sa airport services.

Ayon sa Samahang Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP), partikular na tatamaan nito ang Overseas Filipino Workers (OFWS).

Bukod dito, mahigit 1,300 anilang mga empleyado ng NAIA ang mawawalan ng trabaho.


Ayon kay SMPP President Andy Bercasio, maraming beses nang napatunayan sa kasaysayan na walang garantiya na ang mga na-privatized na airport ay nagdulot ng ginhawa sa mga pasahero, airlines at sa mga empleyado ng paliparan.

Dapat din anilang tingnan ng Senado ang paghahabol ng Transportation Department sa timeline o ang minamadaling pagsasapribado sa NAIA.

Facebook Comments