Hands off ang Malacañang sa planong pagsasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa 90 provincial bus terminals sa Metro Manila sa Hunyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang MMDA ang nasa ground at higit na nakaalam sa sitwasyon sa trapiko sa Metro Manila.
Hindi aniya nakaugalian ng Malacañang na pakialaman ang trabaho ng ibang tanggapan.
Mababatid na ililipat na sa Valenzuela City at sa Sta. Rosa, Laguna ang terminal ng mga provincial bus.
Facebook Comments