Planong pagsubpoena ni Senator Gordon sa isang judge, posibleng lumikha ng mini-constitutional crisis

Manila, Philippines – Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, posibleng lumikha ng mini-constitutional crisis ang banta ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na ipatawag sa susunod na pagdinig si Judge Jovencio Gascon na siyang humahawak sa kaso ng halos 900 kilos ng droga na nasabat sa San Juan noong December 2016.

Si Senator Gordon ay nagalit nang malaman na ang nabanggit na malaking bulto ng droga ay hindi pa rin nasisira o nasusunog dahil nais ni Judge Gascon na isailalim muna ito sa ocular inspection.

Pero paliwanag ni Aguirre, may umiiral na separation of powers sa pagitan ng legislative, executive at judiciary kaya ang mga ito ay co-independent at co-equal sa bawat isa.


Facebook Comments