Kung ang mga manok vendors hindi sang-ayon sa planong pagtatakda ng Suggested Retail Price sa karneng manok, sinang-ayunan naman ito ng ilang mga consumers sa Dagupan City.
Matatandaan na bunsod ang suhestyong ito sa patuloy na pagsipa ng presyo nito sa merkado.
Ilang mga consumers pabor dito dahil aminado sila na ilang mga vendors ay hindi tumatalima sa nararapat lamang na presyuhan ng nasabing produkto.
Samantala, sa kasalukuyan nananatiling sapat ang suplay nito sa Dagupan City at sa ngayon, naglalaro sa 170 hanggang 180 ang kada kilo ng manok at inaasahang may paggalaw ngayong nakapasok na ang buwan ng Disyembre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments