Planong pagtalaga kay dating Secretary Mar Roxas bilang kalihim ng DA, itinanggi ni Cong. Sandro Marcos

Tinuldukan na ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang kumakalat na impormasyon na itatalaga bilang kalihim ng Department of Agriculture o DA si dating DILG Sec. Mar Roxas.

Sa kanyang mensahe sa Twitter ay bingyang diin ni Representative Marcos na wala itong katotohanan.

Ang pahayag ay tugon ni Marcos sa nagtanong ukol sa napipintong appointment kay Roxas para pamunuan ang DA.


Sa ngayon, ay ang ama ni Congressman Marcos na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang patuloy na gumaganap bilang kalihim ng agriculture department mula ng magsimula ang kanyang termino noong nakaraang taon.

Facebook Comments