Planong pagtanggap ng Pilipinas ng Afghan refugees, sinuportahan ng isang kongresista

Sinuportahan ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang napaulat na planong pagtangap ng Pilipinas sa mamamayan ng Afghanistan kung saan may gera.

Diin ni Rodriguez, tayo ay bansa na palaging handang dumamay at kumalinga kaya palagi din tayong bukas sa pagtanggap ng mga refugee.

Sabi ni Rodriguez, maari naman nating limitahan ang bilang ng Afghan refugees na pansamantalang maninirahan sa ating bansa.


Ayon kay Rodriguez, ang ganitong makataong hakbang ay hindi na bago.

Inihalimbawa ni Rodriguez na noong September 2021 ay inihayag ni dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na may mga kababaihan at mga bata mula sa Afghanistan ang tinanggap natin.

Binanggit din ni Rodriguez na noong 1975 o panahon ni dating ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay naging pansamantalang tahanan din tayo ng libu-libong Vietnamese “boat people”.

Binanggit din ni Rodriguez na sa ilalim naman ng administrasyon ni dating Pangulong Manuel Quezon ay libu-libong Jewish refugees ang humimpil sa bansa para takasan ang Nazi persecution at Holocaust.

Facebook Comments