
Hindi sinang-ayunan ng Malacañang ang naging pahayag ni Senador Ronald dela Rosa na ikinokonsidera niyang magtago sakaling maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) para sa kanya bilang co-accused ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, hindi magandang halimbawa sa mga Pilipino na ang mismong lider ng banda ay hindi humaharap sa mga kaso laban sa kaniya.
Marapat lamang aniya na harapin niya ang mga complaint sa kaniya lalo’t dati pa naman siyang pinuno ng Philippine National Police (PNP).
Tiniyak naman ng Palasyo na oras na ituloy ni Senator dela Rosa ang kaniyang plano, ay hahanapin pa rin ito ng PNP kung magpapatulong ang International Criminal Police Organization (Interpol).
Samantala, binanatan din ni Castro ang Senador sa umano’y pang-iiwan nito sa dating pangulo dahil hindi siya sumama sa Hong Kong.