PLANONG PAGTATATAG NG ELECTRIC VEHICLE BUS RAPID TRANSIT SA PANGASINAN, MAKAKATULONG SA PAGPAPABABA NG PAMASAHE

Layunin ng planong pagtatatag ng unang Electric Vehicle Bus Rapid Transit sa Pangasinan ang pagpapanatili ng mababang singil sa pamasahe bilang solusyon sa krisis sa enerhiya.

Ayon sa pahayag ni Governor Ramon Guico III, mistulang train stations na may electric buses at kaukulang stops at terminal ang EV Bus Rapid Transit.

Dagdag niya, plano ring magtayo ng solar chargers para sa mga de-kuryenteng sasakyan, kasabay ng pagsusulong sa paggamit ng mga ito sa lalawigan.

Noong Disyembre 2025, nauna nang inihayag ng Pamahalaang Panlalawigan ang paglalagay ng dalawang e-vehicle charging stations sa loob ng Capitol Grounds, na may layuning bawasan ang carbon emissions at isulong ang green mobility sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments