Planong pagtatayo ng Bataan Technological Park, magbibigay oportunidad sa mga Aeta community sa Bataan

Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatayo ng mga proyekto sa Bataan Technological Park para tulungan sa kanilang kabuhayan mga katutubong Aeta.

Plano ng DA na bigyang oportunidad ang mga katutubo sa agri-business sector.

Tatlong Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan ng DA at grupo ng mga katutubong Aeta bilang parte sa pagkasa ng mga ilalatag na proyekto.


Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nakapaloob sa kasunduan ang pagsuporta ng kagawaran sa mga technical assistance para sa Aeta community na sumang-ayon sa paggamit ng kanilang ancestral land upang maging large-scale agricultural production area.

Inaasahan sa proyektong ito ang pagtatayo ng food terminal, warehousing facility, maging trading center kung saan maibebenta ang kanilang mga ani.

Maliban sa food terminal, may potensyal din na pagtayuan ng mga research center ang nasabing lugar.

Samantala, pinagkalooban din ng DA at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng P1.4 million halaga ng tulong pinansiyal ang mga magsasakang Aeta sa Morong, Bataan.

Facebook Comments