
Nagpahayag ng pagtutol ang mga residente ng Greenhills East Village sa planong pagtatayo ng isang high-rise condominium project sa Mandaluyong City.
Ayon sa mga residente, posible umanong banta ito sa kapayapaan, kaligtasan, at kalidad ng pamumuhay sa kanilang komunidad at labag din umano sa umiiral na zoning law at mismong mga patakaran ng Local Government Unit (LGU).
Planong ipatayo ang proyekto sa isang 6,511-square-meter na lupain sa Ortigas Avenue, katabi mismo ng La Salle Green Hills School na sakop ng Barangay Wack-Wack ng Mandaluyong ngunit ilang metro lang sa border ng San Juan.
Ayon sa ulat, ang proyekto ng SPI ay isang multi-tower condominium complex na inaasahang tatagal ng siyam na taon ang pagtatayo na para sa mga residente ay magdudulot ng malaking panganib sa mga bata, nakatatanda, at buong komunidad sa paligid ng paaralan.
Sa kanilang petisyon, binanggit ng mga residente ang Green Building Ordinance at ang Comprehensive Land Use Plan na kapwa naisabatas sa ilalim ng administrasyon.
Ayon sa petisyon, dapat ipatupad ng LGU ang polisiya ng kanyang administrasyon na responsableng urban growth.









