MANILA – Masusing pag-uusapan ng Dept. of Education ang plano ng Dept. of Health na pamimigay ng condoms sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa susunod na taon.Ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa bansa.Sa interview ng RMN kay DEPED Usec. Jesus Mateo, sinabi nito na bagamat kailangang tugunan ang problema sa HIV-AIDS, marapat din aniya na masusing pag-aralan ang plano ng doh lalo nat posibleng masagasaan nito ang karapatan at responsibilidad ng mga magulang.Bunsod nito, isang pulong ang ikakasa ng DEPED at DOH kung saan layon nitong alamin kung tama bang ipatupad ito at ang iba pang alternatibong paraaan.Batay sa datus ng DOH, aabot na sa 10,279 ang hiv cases sa bansa na nasa edad 15 hanggang 24 years old.
Planong Pamamahagi Ng Condoms Ng Doh Sa Mga Pampublikong Paaralan, Masusing Pag-Aaralan Ng Deped
Facebook Comments