MANILA – Pinag-aaralan pa rin ng Dept. of Health (DOH) ang planong pamimigay ng condom sa mga estudyante.Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial – hindi pa natatalakay ng Department of Education (DepEd) kung papaano gagawing available ang condom sa mga kabataan dahil inaalam pa kung gagawin ito sa eskwelahan o sa mga health center.Layon nitong mapababa ang bilang ng mga kaso ng HIV base narin sa pag-aaral ng mga health experts.Nilinaw naman ng kalihim – na walang pilitan sa plano dahil nakadepende pa rin ang paggamit nito sa mga estudyante.Aminado naman ang DepEd na napaka-sensitibong isyu nito at kinakailangan ang masusing pagsusuri bago maipatupad.Hindi umano maaring basta-basta na lang ipamahagi ang mga condom ng hindi sumasailalim sa counselling.
Planong Pamimigay Ng Condom Sa Mga Estudyante – Hindi Pa Rin Natatalakay At Kasalukuyang Pinag-Aaralan Ng Deped At Doh
Facebook Comments