Napapanahon ng maisabatas ang pagtatayo ng permanenteng mga Kadiwa stores na tiyak tutugon sa krisis sa pagkain dahil daan ito para para maging stable at mura ang presyo ng pagkain sa bansa.
Pahayag ito ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee bilang suporta sa sinabi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na plano ng gobyerno na magtayo ng mga permanenteng Kadiwa stores sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Bunsod nito ay inihain ni Lee ang House Bill 3957 o Kadiwa Agri Food Terminal kung saan nakapaloob ang paglalaan ng inisyal na 25-billion pesos mula sa pondo ng Department of Agriculture (DA).
Para ito sa pangangasiwa ng Kadiwa Agri-Food Terminals sa bawat Local Government Units (LGU).
Tiwala si Lee na makakamit natin ang food security kapag ma-institutionalized ang programa dahil magkakaroon ng direktang access pagitan ng mga producer o magsasaka at mga mamimili kaya hindi na kakailanganin ang middlemen na syang nagpapatong mataas na presyo.