Planong provincial bus ban sa EDSA, hindi dumaan sa public consultation

Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi dumaan sa public consultation ang planong provincial bus ban at terminal sa EDSA.

Ayon kay MMDA Taskforce Special Operations Bong Nebrija, na nagsagawa naman sila ng konsultasyon sa mga operator ng mga provincial bus.

Aniya, batid nilang na marami ang nagnanais na alisin na ang biyahe ng mga provincial bus sa EDSA.


Kasabay nito, ipinagmalaki naman ni Engr. Emilio Llavor, chief ng MMDA Planning and Design Division na bumilis nang 24 porsyento ang biyahe sa EDSA noong magsagawa sila ng dry run ng pagbabawal ng provincial bus.

Facebook Comments