Isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa tulong ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang pagkakaroon ng sariling Bangus Branding ang mga bangus sa Lungsod.
Sa isinagawang pagpupulong ng mga kawani ng LGU maging ang iba’t ibang stakeholders ay kanilang napag-usapan ang ukol sa ‘Bangus Industry Cluster Cum Briefing on Geographical.
Pinasalamatan ng alkalde ng lungsod ang pamunuan ng DTI Pangasinan sa pangunguna ni Provincial Director Natalia Dalaten para sa suporta sa pagkakaroon ng branding sa mga bangus ng lungsod at upang maging avenue ng mga stakeholders ng bangus industry sa lungsod.
Aniya pa, na sa pagkakataong ito makakamit na ang inaasam-asam na layuning maiparehistro ang Dagupan Bangus Brand para sa intellectual property at upang magkaroon ng identity sa industriya ng bangus manufacturer ang lungsod.
Buong suporta ang lokal na pamahalaan sa mga magiging hakbang upang mapangalagaan ang Bangus Industry sa Lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments