*Cauayan City – *Inalmahan ng member consumers ang plano ng ISELCO 1 na paniningil ng service fee sa mga hindi nakakabayad sa takdang araw.
Una nang umani ng negatibong feedback sa social media ang pabatid na ito sa ISELCO 1. alinsunod sa policy number 004s-2019, ipinagbibigay alam ng pamunuan ng ISELCO 1 na sa darating na buwan ay magpapatong ng service fee ang kooperatiba ng babayarin sa mga miyembrong hindi nakapagbayad sa takdang araw.
Sa kasalukuyan, ay binibigyan ng 11 araw bilang palugit pagkatapos matanggap ang buwanang konsumo.
Batay pa sa pabatid, plano ng kooperatiba na magpataw ng P50.00 para sa mga kumokonsumo ng isnag daan (P100.00) piso pababa, 75 piso para sa may konsumong P101 hanggang P500 piso at 100 piso naman sa may bayaring P501 piso pataas.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan City, nilinaw ni Engr. Roger Jose, area head ng ISELCO 1 na ito ay pabatid pa lamang at bahagi ng kanilang information dessimination.
Kasabay nito ay ipinagtanggol ni Engr Jose na ang kanilang hakbang na ito ay bahagi ng pag papangaral sa mga member consumer ng kooperatiba.
Napapansin umano ng pamunuan ng ISELCO 1 na sa ngayon ay tanging sila na lamang ang hindi naniningil ng surcharge o patong kaya bunga nito ay ang bayarin sa kuryente ang pinakahuling proyoridad sa pagbabayad.
Nakiusap si Engr. Jose na ang kuryenteng ginagamit ay binibili lang din nila sa mga electric providers at nagbabayad sila sa takdang panahon kaya dapat lamang umanong magbayad din ang mga consumer sa naitakdang araw ng pagbabayad.
Paglilinaw ng pamunuan ng ISELCO 1, maaaring sa susunod na taon na maipapatupad ang dagdag bayarin o service fee sa mga hindi makakapagba.
Tags: ISELCO 1, Cauayan City, Engr. Roger Jose, 98.5 ifm cauayan, isabela, luzon, ifm cauayan,