Planong suicide attack sa grand mosque, napigilan ng Saudi Security Forces

105

World – Napigilan ng Saudi Security Forces ang planong suicide attack sa grand mosque sa Mecca matapos nilang salakayin ang apartment kung saan ito nagtatago.

Ayon sa interior ministry, tatlong grupo ang nagplano ng pag-atake sa mga dadagsa sa mosque ngayong papatapos na ang ramadan.

Nakipagpalitan muna ng putok ang suspek sa mga otoridad na lumusob sa kaniya sa isang tahanan sa Central Mecca, malapit sa mosque.


Nang ma-trap, doon na pinasabog ng suspek ang kaniyang sarili dahilan para gumuho ang gusali at ikasugat ng anim na foreigners kasama ang limang miyembro ng security forces.

Bago ang engkwentro, napatay rin ang isang wanted na lalaki at isa pang hinihinalang islamist militant habang limang militante ang naaresto kabilang na ang isang babae.

Facebook Comments