Duda si Senator Imee Marcos sa rason ng pinaplanong support rally para sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos Jr., na idaraos sa January 28.
Ayon kay Sen. Marcos, bigla na lamang siya nakatanggap ng notice mula sa isang undersecretary na hindi nito pinangalanan, kung saan sa January 28 ay magkakaroon ng pagtitipon-tipon para sa pagpapakita ng suporta kay PBBM.
Malaking palaisipan sa senadora kung ano ang pakay ng naturang rally of support sa presidente.
Naghihinala si Senator Marcos kung ang PBBM loyalty rally ay dahil insecure o tagilid ang nagkasa ng rally o show of force ba ito sa destabilization plot laban sa kanyang kapatid.
Sinabi pa ng mambabatas na wala naman siyang naririnig sa mga militar na destabilisasyon laban sa presidente kaya maging siya ay nalilito na kung para saan ang rally of support na ito.
Aniya, batay sa mensaheng natanggap ay malaking hakutan ito ng mga supporters kung saan pati mga empleyado ng gobyerno ay inoobliga na dumalo kapalit ng libreng transportasyon, pagkain at pati ang sweldo ay bayad din sa araw na iyon.