Plantasyon ng Marijuana nadiskubre sa Palimbang

Tinatayang abot sa isang milyong pisong halaga ng Marijuana ang nadiskubre sa isinagawang joint operation ng PDEA 12 at Marine Battalion Landing Team 6 sa Sitio Malalag, Brgy. Napnapon, Palimbang, Sultan Kudarat.

Sinasabing nakatakas ang nag mamay ari ng Marijuana plantation na kinilalang si Motmot Sakay matapos makatunog sa mga paparating na otoridad noong medaling araw ng Martes.

Bagaman naging pahirapan para sa mga otoridad ang pagtungo sa liblib na bahagi ng bayan ng Palimbang, nagpapasalamat nalamang ang mga ito at naging kumpirmado ang impormasyong ipinarating sa kanila.


Ito na ang ikalawang maituturing pinakamalaking operation kontra marijuana sa ilalim ng PDEA ngayong buwan.

Unang nadiskube ng mga ito ang halos kalahating milyong halaga ng marijuana sa bayan ng Arakan North Cotabato noong nakaraang linggo.

Facebook Comments