Plantasyon ng marijuana sa Sugpon, Ilocos Sur, sinalakay ng mga awtoridad

Limang plantasyon ng marijuana ang matagumpay na sinalakay ng mga operatiba ng Ilocos Sur Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Sugpon Municipal Police Station sa mismong kabundukan ng Barangay Licungan, Sugpon Ilocos Sur, na may lawak na 2,900 sqm.

Ang nasabing maijuana eradication ay nagresulta ng pagkakumpiska ng may kabuuang 18,500 fully-grown marijuana at 1,250 marijuana seedlings na nagkakahalaga ng mahigit P3.7 milyon.

Dahil sa layo ng lugar, doon na mismo sinira ang mga nakumspikang marijuana at ang samples nalang ang dinala sa Sugpon MPS at Ilocos Sur Police Provincial Office.

Facebook Comments