
Aabot sa limang plantasyon ng marijuana na may lawak na 1,600 sqm ang matagumpay na sinalakay ng mga operatiba ng Sugpon Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur.
Nasa mahigit 10,000 piraso naman ng full marijuana at 1,000 piraso ng marijuana seedlings, na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon, ang sinira ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon.
Dahil sa dami ng marijuana na natuklasan sa nasabing plantasyon, doon na mismo sinira at sinunog ang mga nasabing halaman.
Tanging ang mga ebidensya at samples na lang ang kinuha para sa eksaminasyon.
Wala namang nahuling cultivator sa nasabing lugar.
Facebook Comments









