
Opisyal ng bumalik sa fertilizer business ang Planters Products Inc. (PPI), ang agro-chemical trading at marketing arm ng Department of Agriculture (DA), para mapalakas ang ani at kita ng palay ng mga maksasaka.
Umangkat ang PPI ng ng 120,000 bags ng 14-14-14 inorganic fertilizer upang makatulong na maibaba ang gastos ng mga magsasaka.
Ang pataba ay nagmula sa Vietnam at magagamit sa nalalapit na panahon ng taniman.
Ang 14-14-14 na timpla ay nagtataglay ng pantay na nitrogen, phosphorous, at potassium – mahalagang micronutrients na nagsusulong ng mayabong na paglago ng dahon, paglaki ng ugat, pagbuo ng butil, at pinahusay na paglaban sa mga peste at sakit.
Gumamit ang PPI ng internally generated funds para sa importasyon at inaasahang iaalok ang fertilizer sa presyong mas mababa kaysa sa presyong nabibili sa lokal na merkado.
Sinabi ng kumpanya na kayang gawin ito dahil sa nga bentahe sa logistics at procurement, na ang intensiyon ay idirekta ito sa ng magsasaka.
Sinabi ni PPA chief operations officer Roberto V. Antonio na ang pagbabalik ng DA-controlled corporation sa merkado ng fertilizer makalipas ang 43 taon ay patunay ng matatag na pangako ng Marcos administration para pagsilbihan ang mga magsasaka.









