Planting Festival nagpapatuloy sa Maguindanao

Nagpapatuloy ang isinasagawang Planting Festival sa mga bayan ng Maguindanao.

Ang aktibidad ay isinagawa sa Brgy. Tuka, Sultan Mastura at pinangunahan ng MAFAR BARMM .

Layunin ng aktibidad ay para maendorso sa mga magsasaka ang bagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ayon pa kay Mafar Barmm Assistant Minister for Operation Engr. Ismael Guiamel sa panayam ng DXMY.


Bukod rito hangarin rin ng programa na masuportahan ang mga magsasaka lalo na ngayong may panahon ng krisis na hatid ng Covid 19.

Dumalo rin sa aktibidad si MAFAR BARMM Rice Coordinator Dr. Tong Abas , PAO Maguindanao Abdulnasser Badawi at ilan pang mga officials mula MAFAR at LGU.

Pinasaya rin ang aktibidad ng isinagawang Rice Planting Race na nilahukan ng mga magsasaka mula sa nasabing lugar.

Ang Planting Festival ay isa lamang sa flagship program ng MAFAR na naglalayong matulungan ang lahat ng mga magsasaka sa Rehiyon.

Sa kabuuhan nasa labing dalawang bayan na ng Maguindanao ang natungo ng MAFAR BARMM para gawing Model Farm ng Inbred Palay Production sa buong BARMM.

Matatandaang inihayag ni MAFAR BARMM Minister Mohammad Yacob na hangad nitong maging RICE CAPITAL ang probinsya ng Maguindanao.

Facebook Comments