PLANTING MACHINERIES, HILING SA PHILMECH PARA SA MGA MAGSASAKA SA IKALAWANG DISTRITO NG PANGASINAN

Nauna nang hiniling sa naganap na session sa kamara ni 2nd District Rep. Cong. Cojuangco ang suporta ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) sa pagkakaroon ng mga planting machineries para sa mga magsasaka sa ikalawang distrito ng Pangasinan o mga magsasaka sa mga bayan ng Aguilar, Basista, Binmaley, Bugallon, Labrador, Lingayen, Mangatarem at Urbiztondo.
Tinalakay din nito ang mga nakapaloob sa pagpapagawa ng mga industrial drying facilities, big dryers at iba pa upang mas mabigyang linaw at mapakinggan ang mga kaalamang kaugnay dito.
Alinsunod naman sa hinihiling na kagamitan sa pagsaka, nagtungo ang tanggapan sa (PHilMech) sa lalawigan ng Muñoz upang inspeksyunin ang mga planting machineries na maaaring magamit sa pagpapabilis at pagpapaunlad sa pagsasaka ng mga magsasaka sa second district.

Samantala, umapela rin ang kongresista sa pondong inilaan para sa nasabing distrito dahil mababang alokasyon lamang umano ang nailaan dito at nakiusap sa reconsideration ng alokasyon ng pondo. |ifmnews
Facebook Comments