Nagpapatuloy pa rin ang naturang programa City Tourism Office na kung saan ay tumatanggap sila ng mga halaman mula sa mga gustong magpa-alaga at magbenta ng halaman sa Hacienda de San Luis.
Magtatapos sana sa Abril 17, 2022 ang naturang programa pero dahil sa dami ng mga aktibidad na nakalatag ngayong buwan ay pinalawig pa ito hanggang sa Mayo.
Ayon kay Ms. Maribel Eugenio, Tourism Officer ng Cauayan, inextend ang kanilang show me you plant exhibition para mas marami pa ang makabisita sa lugar lalo na ngayong mahal na araw.
Bukod sa ilang mga pasyalan sa Hacienda de San Luis ay maaari namang bumili ng mga bibisita sa mga naka-display na ibat-ibang klase ng mga halaman.
Maaari rin mag piknic sa lugar kaya welcome rin ang mga gustong mamasyal at magpicnic sa Hacienda San Luis.
Samantala, bilang paggunita ng holly week, mayroong apat na station of the cross ang inilagay na makikita sa bungad ng hacienda Luisita sa pakikipagtulungan ng simbahang katoliko na mamamahala naman sa naturang mga tanawin.
Ang mga naturang stations of the cross at show me your plant exhibition ng Tourism Office ay ginawang paligsahan na kung saan makakatanggap ng cash prize ang mga mananalo kung saan P20,000 sa 1st Prize, P17,000 para sa 2nd prize; P15,000 sa 3rd prize, at tig-P5,000 naman para sa consolation prize.
Isasagawa ang awarding ceremony sa Ester Sunday at magkakaroon din ng egg hunting sa mismong araw ng Linggo ng Pagkabuhay doon din sa Hacienda de San Luis.