Manila, Philippines – Inihayag ngayong n ni Senate Majority Leader Tito Sotto III na na plantsa na ang gusot sa pagitan ng senado at kamara kaugnay sa planong charter change o Cha-cha.
Ayon kay Sotto, ito ay matapos ang pakikipag-usap nila kagabi ni Senate President Koko Pimentel kina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas.
Sabi ni Sotto naging cordial at fruitful o maganda at mabunga ang kanilang pulong kagabi.
Kuntento rin si Sen Sotto, sa naging resulta ng kanilang pag-uusap pero si Senate President Pimentel anya ang otorisadong magbigay ng pahayag sa detalye ng kanilang mga napag-usapan.
Kagabi matapos ang nabanggit na pulong ay agad inihayag ni SP Pimentel na nagkasundo sila nina Speaker Alvarez na isulong ang pagrepaso sa 1987 constitution.
Ayon kay Pimentel, ito ay para makabuo ng specific models sa panukalang pagbabago sa porma ng gobyerno at panukalang pa pag- amyenda sa mga probisyon ng saligang batas.
Sabi ni Pimentel, ang mga dapat isulong na mga amendments sa konstitusyon ay yung may pag-asang makakuha ng kinakailangang bilang ng boto mula sa publiko sa pamamagitan ng pagdaraos ng plebesito.