PLANTSADO NA | Seguridad sa state visit ni President Xi sa Manila, kasado na

Manila, Philippines – Plantsado na ang seguridad para sa nakatakdang state visit bukas, November 20 ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar – nasa 27,000 strong force ang naka-full alert sa buong Metro Manila.

Maliban dito, magde-deploy din ang NCRPO ng mga anti-riot cops para naman sa inaasahang kilos protesta.


Tiniyak ni Eleazar ang pagpapatupad ng mga pulis ng maximum tolerance sa pagharap sa mga rallyista.

Una nang idineklara ni Manila Mayor Joseph Estrada na kanselado ang pasok sa lahat ng eskwelahan sa lungsod at sa munisipyo bukas para masiguro ang kaligtasan ng publiko at kaayusan sa pagbisita ng pinuno ng China.

Facebook Comments