PLANTSYADO NA | IRR para sa libreng tuition sa SUCs, tapos na!

Manila, Philippines – Nakahanda na ang lahat para sa pagpapatupad ng libreng tuition fee sa lahat ng State Universities, Colleges at technical vocational institutes.

Sabi ni Commission on Higher Education Chairman Patricia Licuanan, natapos na nila ang IRR o Implementing Rules and Regulations para sa pagpapatupad ng batas simula sa pasukan o school year ‎2018-2019.

Mahigit sa 51 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan bilang subsidy sa tuition fee sa mga paaralang pinatatakbo ng pamahalaan.


Mahigit 22 bilyong piso ang mapupunta sa mga state university, mahigit 21 bilyon sa tertiary education, at 7 bilyon naman sa mga technical vocational institute.

Nakasama rin sa budget ang mahigit limampu’t apat na milyong piso para sa National Student Loan Program, samantalang mahigit sa 100 milyon ang nakalaan para sa administrative cost.

Facebook Comments