Isinusulong ngayon sa mga paaralan ng Dagupan City at sa bayan ng Calasiao ang Plastic Attack Movement Against Single-Use Plastic o ang paggamit ng single-use plastics.
Ang kampanyang ito ay naglalayon na magbigay ng kamalayan laban sa overpackaging at paggamit ng single-use plastics lalo na sa mga estudyante na madalas bumili sa mga canteen at mga malls.
Ayon sa organizers ng aktibidad na ito ay kauna-unahang Plastic Attack in Schools sa bansa at sabay-sabay nakilahok ang iba’t ibang mga paaralan sa Dagupan City at Calasiao kung saan kalahok na nangolekta ang mga estudyante ng mga plastic wastes partikular na ang sachets sa loob ng kanilang eskwelahan.
Ang pangangampanyang ito ay isang collaboration project at isinusulong ng MakeSense PH, Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB), Department of Education (DepEd) Dagupan SDO, Dagupan CIty LGU-Waste Management Division, at iba pang school-based organizations.
Base naman sa tala ng mga organizers, nasa 250 kg na mga basura ang nakolektang plastic wastes, kung nasa higit 3,000 estudyante naman ang nakilahok sa kampanyang ito ng paglilinis.
Ang nasabing aktibidad ay dahil sa papalapit na paggunita sa National Breakup with Sachets Day sa darating ika-20 ng Nobyembre taong kasalukuyan. |ifmnews
Facebook Comments