Lumilitaw na plastic waste pa rin ang pinakamalaking bahagi ng basura na nagkalat sa Manila Bay.
Ito ay batay sa survey na ginawa ng Enhancing Marine Litter Management in Manila Bay project ng Korean International Cooperation Agency at ng Korean Marine Environment Management Corporation.
May kabuuang 8,671,702 na marine litter ang naitala sa loob ng 190 km coastline ng Manila Bay sa 2023-2024 kung saan 7,915,442 ay plastic.
Ang mga natitira pa rito ay mula sa wood, metal, natural fibers, glass, rubber, paper, at mixed materials.
Sa kabila nito, nagkaroon naman ng 36% na pagbaba ng dami ng marine litter o 42% na pagbaba sa kabuuang bigat nito.
Ipinapanawagan naman ng EcoWaste Coalition ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas tulad ng RA 9003 o Solid Waste Management Act at RA 9275 o Clean Water Act.