Plastik sa Baguio, Bawal na!

Baguio, Philippines – Matagal nang panukala, sana ngayon maipatupad ng mabuti.

Daang taon ang hihintayin bago malusaw ang plastik kaya maraming drainage dito sa lungsod ang barado na nagiging sanhi ng pagbaha. Isama pa ang Lagoon sa may City Camp na taon-taon ay umaapaw ang tubig kaya napipilitan ang mga residente na mag-evacuate kapag malakas at matagal ang ulan higit kapag may bagyo.

Kaya naman itong darating na 2018, ipag babawal na ang paggamit at pagbebenta ng plastik at styrofoam para makaiwas sa mga nasabing problema at para na rin makabawas sa sakit ng ating kalikasan. Inaprubahan na ng konseho ng Baguio ang nasabing ordinansa.


Ikaw idol, gagamit ka pa ba ng plastik?

Facebook Comments