Isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) Binalonan District Office ang Plate Distribution Caravan sa Magic Mall, Urdaneta City mula Oktubre 12 hanggang 13.
Libreng ipinamigay sa aktibidad ang mga plaka ng motorsiklong may year model mula 2014 hanggang 2017, kabilang na rin ang mga kapalit ng lumang plaka.
Ayon kay CJ Asuncion, Administrative Aide ng LTO Binalonan District Office, layunin ng programa na maihanda ang mga motorista sa ipatutupad na “No Plate, No Travel” policy sa Nobyembre 2025.
Tinatayang mahigit 70 porsyento na ng mga plaka sa rehiyon ang naipamahagi.
Hinimok naman ng LTO ang mga motorista na may year model na 2018 pataas na makipag-ugnayan sa kanilang pinagbilhang dealer o gumamit ng LTO Plate Tracker upang alamin ang status ng kanilang plaka.









