PLATE DISTRIBUTION SA MANGALDAN, EXTENDED

Pinalawig hanggang ngayong araw, August 12, 2025, ang distribusyon ng mga plaka sa bayan ng mangaldan bilang bahagi ng ipinatutupad na “no plate, no travel” policy ng land transportation office (LTO).
Kahapon ay may naipamahagi nang mga plaka sa mga motoristang dumalo, at magpapatuloy ito ngayong araw, partikular para sa mga motorsiklong nairehistro noong 2017 pababa.
Kasunod ito ng umiiral na patakaran sa pagpapalit ng 7-digit plate tungo sa 6-digit plate numbers.
Samantala, pinaalalahanan ang mga nairehistro mula 2018 hanggang kasalukuyan na makipag-ugnayan sa kanilang accredited dealers upang makuha ang kani-kanilang plaka.
Pinaalalahanan din ang mga motorista na dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento upang tuluyang makuha ang plaka.
Hinikayat din ang mga miyembro ng toda sa bayan na samantalahin ang pagkakataon upang magkaroon na ng plaka ang kanilang mga pampasaherong tricycle. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments