PLAYGROUND | Robin padilla, nagpagawa ng playground sa kanyang baby Isabella

Manila, Philippines – Ibinida ni Mariel Rodriguez-Padilla ang pagpapagawa ni Robin Padilla ng isang playground para sa kanilang anak na si Isabella.

Sa kaniyang social media account, nagpost ang actress ng larawan ng bagong tayong playground sa labas ng kanilang bahay na sobrang ikinatuwa ng kanilang anak dahil maraming laruan.

Tiniyak naman ng mag-asawa na ligtas at matibay ang bagong playground.


Matatandaan, nagpakasal ang dalawa taong 2010 at isinilang si baby Isabella noong 2016.

Facebook Comments