Plaza ng Banisilan hinagisan ng granada , 8 wounded

Sugatan ang walo katao matapos hagisan ng granada ang Municipal Plaza ng Banisilan North Cotabato , 8:45 kagabi.

Sa panayam ng DXMY kay Supt. Bernard Tayong spokesperson ng North Cotabato PNP, inihagis ang MK2 grenade sa booth ng Brgy. Tinimbacan resulta sa pagkakasugat ng walo katao.

Kinilala nito ang mga naging wounded na sina Kingboy Kadil, Jeffrey Salunayan, Jun Amad, Samrod Mamocao, Datu Ali Mamocao (Lingo), Geradin Panangulo (Medin Gampong) Pedro Labaosares at Ismael Cañido.


Malaki naman ang paniniwala ni Brgy. Pantar Chairman Sanni Kadil na siya ang target ng explosion. Nasa area ito kagabi ngunit maswerteng bubog lamang ang natamo ngunit kabilang sa wounded ang anak nitong si Kingboy. Rido ang nakikitang dahilan ng pagpapasabog giit ni kapitan sa pahayag nito sa PNP. Matatandaang noong nakaraang taon sa kapareho ring petsa ng tambangan si kapitan.
Nangyari ang grenade explosion ilang minuto matapos magbalik ang suplay ng kuryente kasabay naman ng pagdiriwang ng bisperas ng founding anniversary ng bayan.
Inilatag na rin ang security plans kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng 36th Anniversary.
Contributed Photo

Facebook Comments