Plaza San Lorenzo Luis sa Binondo, passable na – Manila PIO

Madadaanan nang muli ang Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Maynila, matapos tanggalin ng mga awtoridad ang mga poste ng kuryente na gumuho sa intersection ng Ongpin at Quintin Paredes Streets.

Ayon sa Manila Public Information Office, passable na ang nasabing kalsada na una ng isinara para sa kaligtasan ng mga motorista at dumadaan, nagkaroon kasi ng re-routing sa ilang mga daanan dahil na rin sa hindi na safe kung tahakin pa ng publiko.

Matatandaan na may tatlong tao ang ginamot at isinugod sa ospital matapos silang magtamo ng minor injuries dahil sa insidente.


Sa ngayon, patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi nito at kung sino ang dapat managot sa nasabing insidente.

Facebook Comments