PLDT ipasasara ng pangulo kung hindi maaayos ang 8888 number na sumbungan ng publiko

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PLDT na ipasasara kung hindi nito maaayos ang hotline number na 8888.

Ang nasabing numero ang tinatawagan ng publiko para makapagsumbong sa pamahalaan ng mga katiwalian sa gobyerno.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Cebu City noong nakaraang araw ng linggo ay sinabi nito na napakaraming tumatawag sa 8888 kaya nagrereklamo na ang ilan dahil palaging busy ang linya kaya inutusan niya ang kanyang mga tao para tawagan ang PLDT para ayusin ito.


Kaya nagbabala ang pangulo na ipasasara ito kung hindi maisasaayos ang linya ng telepono.

Ibinunyag pa ng pangulo na mayroong utang ang kumpanya na 8 bilyong piso sa gobyerno at walang presidente na naningil sa kanila nito.

Hindi naman idinetalye ni Pangulong Duterte ang sinasabi niyang utang ng PLDT sa pamahalaan.

Facebook Comments