Plea bargaining agreement sa drug cases, pinagbabawal muna ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Ipinag utos ng Office of the Court Administrator ng Korte Suprema sa lahat ng mga hukom sa bansa na huwag bigyan ng prayoridad ang plea bargaining agreement sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sa isang pahinang Circular na pirmado ni Ocad Chief Midas Marquez ,nakasaad dito na hindi dapat aksyunan agad ang plea bargaining agreement dahil hindi pa naman ito pinal na desisyon at mayroon pang reresolbahin na motion for reconsideration.

Una nang Idineklarang ng Korte Suprema na unconstitutional ang Section 23 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na nagbabawal sa plea bargaining deal sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.


Facebook Comments