Isang plebisito ang nakatakdang isagawa sa lungsod ng Las Piñas sa darating na ika-29 ng Hunyo.
Ito’y upang gawing opisyal ang Ordinance No. 1941-23 Series of 2023 ang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ng Commission on Elections o COMELEC.
Nakasaad sa ordinansa ang pagtatakda sa hangganan ng teritoryo ng dalawampung barangay sa naturang lungsod alinsunod sa aprubadong cadastral survey ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na natapos noong Marso 2015.
Ayon sa inilabas na kalendaryo ng lungsod, gaganapin ang plebisito mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa June 29, at ipinatupad naman na ang gun ban mula May 28 hanggang July 6, at liquor ban sa darating June 28 hanggang 29.
Dagdag pa rito, nai-post na rin ang kanilang computerized voter’s list nitong May 28, at mula sa nabanggit na petsa hanggang June 27 ay isasagawa ang barangay “pulong-pulong” sa 20 komunidad ng lungsod.