Manila, Philippines – Tiwala ang Palasyo ng Malacañang na walang magiging epekto sa voter’s turn out sa ikalawang yugto ng Bangsamoro Organic Law Plebiscite na gaganapin sa February 6 ang nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu at sa Zamboanga City.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kahit nakararamdam ng takot ang mga residente kung saan gagawin ang plebesito ay tiyak naman na boboto parin ang mga ito.
Tiniyak din ni Panelo na patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Armed Forces of the Philippines sa seguridad sa Mindanao upang matiyak na magiging ligtas at tahimik ang gagawing plebesito bukod pa sa pagpapatupad ng seguridad dahil sa umiiral na Martial Law sa buong Mindanao.
Ang susunod na plebesito ang magdi- determina kung kasali ang Lanao del Norte at pitong bayan ng North Cotabato sa Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.