Kasado na ang isasagawang plebisito bukas, Marso 13, para sa panukalang hatiin sa tatlong probinsya ang Palawan ayon sa Commission on Elections (COMELEC)
Ang nasabing plebisito ay ang pagboto ng mga Palaweño kung sang-ayon o hindi sang-ayon na hatiin ang Palawan sa tatlong probinsiya, ang Palawan del Norte, Palawan Oriental, at Palawan del Sur.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, handang-handa na sila para sa botohang mangyayari bukas kung saan makikita ng mga botante ang polling booths sa bawat polling precint.
Aniya, kailangan ding magpasa ang mga Palaweño ng health declaration form bago pumasok sa nakatalagang presinto.
Dagdag pa ni Jimenez, magsasagawa sila ng temperature check at titignan kung mayroong sintomas ng COVID-19 at kung sakaling may sintomas ay agad silang dadalhin sa Isolation Polling Place o IPP para makaboto.
Limang tao lamang kada presinto ang papayagan sa loob para masunod pa rin ang ipinapatupad na social distancing.
Samantala, aabot sa 490,639 na mga botante ang inaasahang lalahok sa plebisito.