Plebisito para sa ratipikasyon ng BOL, umarangkada na ngayong umaga!

Nagsimula na ngayong umaga ang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (LAW).

Ang January 21 plebiscite ay gaganapin sa ARMM, maging sa Isabela City, Basilan at sa Cotabato City.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – nasa 7,141 clustered precincts sa 1,228 voting centers ang binuksan na ngayong alas-7:00 ng umaga na magtatagal hanggang alas-3:00 ng hapon.


Bawat clustered precinct ay mamanduhan ng tatlong miyembro ng plebiscite committee.

Magkakaroon ng isa o dalawang tanong sa balota depende sa lugar.

Ang ratification question ay: ikaw ba ay pabor sa pag-apruba sa Republic Act no. 11054 o Organic Law of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao?

Nasa 2.1 milyong registradong botante ang inaasahang boboto na tutugon lamang sa mga tanong na may sagot na ‘oo’ o ‘hindi’

Pagkatapos ng botohan, susundan ng pagbibilang ng boto.

Sa pagka-canvass ng mga boto, gaganapin ito sa Comelec headquarters sa Intramuros, Maynila kung saan ang Comelec en banc ang uupo bilang plebiscite national board of canvassers.

Facebook Comments