Plenary deliberations para sa proposed 2018 budget, sinimulan na ng Senado

Manila, Philippines – Inilatag na ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda sa plenaryo ang senate committee report no. 167 o panukalang pondo para sa taong 2018 na nagkakahalaga ng 3.767 trillion pesos.

Sa bersyon ng Senado ay tiniyak ang 40 billion pesos na pondo para sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Bibigyan din ng dagdag na tig-10 million pesos ang State Colleges and Univesities habang 770 million pesos naman ang nakalaan sa Department of Education (DepEd) na nagtaas sa chalk allowance sa P3,500 mula sa dating P3,500.


Ayon kay Legarda, sa 2018 proposed budget ay nakapaloob na rin ang pondo para sa rehabilitation ng Marawi City, at tulong o pautang sa mga residente nito.

Binigyang diin pa ni Legarda na may pondo din para sa iha-hire na 10,000 bagong mga pulis.

900 million pesos naman ang nakalaan para sa anti-illegal drugs campaign ng Philippine National Police at 100 million pesos para pambili ng Closed-Circuit Television o CCTV sa PNP command center at 50 million pesos pambili ng body cameras ng mga pulis.

May inilaan ding 47.734 million pesos para sa PNP Women and Children Protection Center.

31.68 billion pesos naman mula sa 89.408 billion pesos na budget ng DSWD sa Conditional Cash Transfer ang mapupunta sa rice subsidy.

Tinugunan din ng bersyon ng budget ng Senado ang hiling ng Malakanyang na 1.5 billion pesos para sa PAGASA modernization program at1.5 billion pesos MMDA Flood Control Program.

Binigyang diin ni Legarda na layunin ng latag ng budget ng Senado na maipatupad ang totoong pagbabago sa hanay ng mga higit na nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan.

Kabilang dito ang 21.9 milyong mga mahihirap na Pilipino, mga magsasaka, mangingisda, walang trabaho, o hindi sapat ang kita, mga senior citizens, at mga residente sa liblib na mga lugar sa bansa.

Facebook Comments