Plenary session at pagdinig ng Senado, mananatiling hybrid kahit ibinaba na sa alert level 1 ang NCR

Inihayag ni Senate President Tito Sotto III  na mananatiling hybrid ang mga sesyon at committee hearing sa Senado.

Ito ay kahit ibinaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa dahil patuloy na bumababa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Dahil sa pandemya noong 2020 ay naging hybrid ang pagdalo sa mga pagtitipon at mga aktibidad ng Senado o may mga senador, empleyado at bisita.


Kapag hybrid, ay maaring physically present at maaring sa pamamagitan ng video conference ang paglahok sa session, committee hearing at iba pang aktibidad sa Senado.

Karamihan sa mga empleyado ng Senado ay bakunado na rin kaya marami na sa kanila ang pinapahintulutang makapasok sa trabaho.

Facebook Comments