Plenary sessions at committee hearings sa Kamara, balik face-to-face na simula sa July 31

Mula sa July 31, 2023 ay muling magbabalik na sa face-to-face ang pagsasagawa ng mga committee hearings at plenaryo session sa Mababang Kapulungan.

Nakasaad ito sa memorandum na pirmado ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Mayroon ding hiwalay na memorandum na inilabas si House Secretary General Reginald Velasco.


Nakasaad naman dito na mula August 1, 2023 ay balik na sa 100% on-site ang trabaho sa Kamara at hindi na papayagan ang work from home arrangement maliban na lang kung mayroong valid na dahilan.

Ang nabanggit na deriktiba ng liderato ng Kamara ay kasunod ng proclamation 297 na inilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nag-aalis sa state of public health emergency.

Magugunita na noong March 2020 o kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay ipinatupad sa Kamara ang hybrid set up.

Sa naturang patakaran ay pwedeng dumalo ang mga kongresista ng pisikal o sa pamamagitan ng teleconferencing sa plenaryo session at mga pagdinig sa Kamara.

Facebook Comments