PLGU NUEVA VIZCAYA, PINARANGALAN NG DILG PARA SA AMBAGUIO ROAD PROJECT

Cauayan City – Pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Nueva Vizcaya sa matagumpay nitong implementasyon ng 22.92km Masoc-Ambaguio Road Project na nagpaunlad sa buhay ng mga katutubong komunidad sa Ambaguio.

Ginawaran ang PLGU ng SubayBayani Award dahil sa natatanging tagumpay nito sa pagpapatupad ng mga proyekto sa imprastruktura na nagdulot ng pag-usbong ng ekonomiya at turismo sa probinsya.

Natapos ang proyekto noong 2019 gamit ang P95-M na pondo mula sa Conditional Matching Grant to Provinces ng DILG.


Ang proyektong ito ay nagpaikli ng oras ng biyahe, pinabilis ang paggalaw ng mga produkto, at ginawang pangunahing paragliding destination ang upland town ng Ambaguio.

Ayon kay Engineer Edgardo Sabado, Provincial Planning and Development Officer, ang proyekto ay masusing sinuri batay sa tamang schedule, kompletong detalye, wastong datos, at mataas na kalidad sa implementasyon

Napabilang ang Nueva Vizcaya sa top 10 awardees mula sa 104 na LGU na sumailalim sa mahigpit na pambansang pagsusuri.

Layunin ng SubayBayani Awards na kilalanin ang mga LGU na nagpakita ng husay sa pamamahala sa imprastruktura, gamit ang SubayBayan online platform para sa mas maayos at transparent na pamamahala.

Facebook Comments