PLLO Usec. Paras, bagong political adviser

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Legislative Liaison Undersecretary Jacinto Paras bilang Presidential Adviser on Political Affairs.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kung saan present si Paras sa Palace briefing.

Ayon kay Roque, dahil ang posisyon ni Paras ay may ranggong secretary ay malinaw na bahagi na siya ng gabinete ni Pangulong Duterte.


Nagpasalamat naman si Paras kay Pangulong Duterte dahil sa tiwalang ibinigay nito at nangakong gagawin ng maayos ang kaniyang trabaho.

Bago maging political adviser, una nang nakilala si Paras na kumokontrol laban sa mga kritiko ni Pangulong Duterte.

Habang tumulong din ito sa pagsampa ng impeachment complaint laban kay Commission on Elections chief Andres Bautista at pagsampa rin ng reklamo laban kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang dahil sa pagbunyag sa yaman ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments