Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong plunder ng Ombudsman sa Sandiganbayan sina dating Immigration Officials Al Argosino at Michael Robles at ang private individual na si Wally Sombero.
Kaugnay ito ng umano’y pagtanggap nila ng suhol mula sa gambling tycoon na si Jack Lam kapalit ang kalayaan ng mahigit isang-libong illegal Chinese workers nito sa kanyang online gaming sa Pampanga.
Maliban sa plunder, mahaharap din ang tatlo gayundin si Jack Lam sa mga kasong graft, direct bribery at two counts ng paglabag sa presidential decree 46 na nagbabawal sa sinumang taga-gobyerno na tumanggap, at sa pribadong indibidwal na magbigay ng regalo kapalit ang isang pabor.
Ayon sa Ombudsman, matibay ang probable cause laban sa kanila.
Samantala, ibinasura naman ang kasong graft at direct bribery laban kay dating Immigration Intelligence Chief Charles Calima.
Inaprubahan ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni Calima matapos madetermina na walang probable cause sa kaso laban sa kanya.